Martes, Agosto 11, 2015

Reaksyon ng Guryon

INTRODUKSYON:
Ang Guryon ay isinulat ni Ildefonso Santos. Ang Guryon ay nagpapahiwatig tungkol sa anak na nais abutin ang mga pangarap sa buhay. Itong Guryon ay yari sa papael de hapon. Ito ay isang saranggola na ginamit para lumipad. Itong Guryon ay nagbibigay ng kahulugan ng isang tao na gusto makamit ang kanyang gusto. Dahil sa malasakit ng magulang gusto nila makamit ang pangarap ng kanilang anak upang maging matagumpay ang kanilang pangarap. Kaya habang nandito pa tayo, subukan natin maging lumaban sa ara-araw upang mapanatili ang ating pamumuhay.

Reaksyon:
Ang tula nito ay may lalabing-dalawang sukat sa anim na saknong at may apat na taludtod.
Itong Guryon ay tungkol sa buhay ng anak na nais ng magulang abutin ang mga pangarap ng anak niya. Itong tula ay nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay dahil bawat isa sa atin ay gusto makamit ating gusto. Ngunit may iba naman ay walang pakialam. Pero alam ko naman ito ay buhay ng mga tao minsan ang buhay ng guryon ay marupok, at malikot kung ibig sabihin ang buhay natin minsan ay mapupunta sa mababa at mataas. Bilang anak ng magulang gagawin ko lahat kahit mahirap sa akin. Dahil gusto ko maging masaya ang aking mga magulang. Alam ko gusto nilang gawin ang lahat para sa kanilang anak.Ngunit para saakin ako ay lalaban at tibayin natin ang ating sarili para maabot ang mga pangarap natin sa buhay.

Konklusyon:
Bilang isang magulang kahit mahirap ang buhay basta may malasakit sa anak kasi tayo’y mga magulang ang nagsisilbing  gabay para sa ating anak.  Bilang isang anak tayo dapat magsikap gaya ng ating magulang para maabot ating pangarap sa buhay at may ipakita tayo sa ating magulang na kaya natin ito upang mapasaya natin sila. Dahil lahat tayo gustong  maging masaya at maging maganda ating buhay.